Sa paghimig mo'y natutunaw ang lahat 'Di na baleng masayang basta't mapagmasdan Hinahanap ko ang iyong pag-ngiti Natutunang masanay na ika'y mahalin Damhin ang aking lambing Yayakapin ka sa 'yong paghimbing Abot-langit ang pagsamo Sayo'y hindi magbabago Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo Dinggin mo ang pag-amin kong Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo Sa pagtitig mo'y napapawi ang kaba Nahuhulog na lamang sa iyong kagandahang 'Di mapantayan kahit na sino man Natutunang masanay na ika'y mahalin Damhin ang aking lambing Yayakapin ka sa 'yong paghimbing Abot-langit ang pagsamo Sayo'y hindi magbabago Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo Dinggin mo ang pag-amin kong Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo At sa muling paglipas ng umaga Ako'y mananabik sa 'yong iniwang alaala Pagbangon mo'y karipas ang bilis Hindi na marinig ang paghimig mo ♪ Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo Dinggin mo ang pag-amin kong Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo, oh Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo