Minsan ay para bang 'di ko na makakayanan Ang mga bawat bagyo na dumaraan Ang unos sa dibdib ay sadyang 'di ko mapigilan Ngunit ika'y sumabay sa bagyo ng aking buhay Ibinuhos mo ang pag-ibig mo At nilunod mo'ng bawat kirot sa aking puso Ang pag-ibig mo'y parang ulan na hindi tumitigil Kung pag-ibig mo'y ulan ang aking mundo sa tubig ay lulutang Parang ulan ika'y sumabay sa aking bawat pag-iyak Upang ang aking mga luha ay 'di mapansin Ang unos sa dibdib ay tinangay ng 'yong pag-ibig Ang puso ko'y niligtas sa bagyong kay lakas Ibinuhos mo ang pag-ibig mo At nilunod mo'ng bawat kirot sa aking puso Ang pag-ibig mo'y parang ulan na hindi tumitigil (ah) Kung pag-ibig mo'y ulan ang aking mundo sa tubig ay lulutang 'Di mo ako kailan pa man pinabayaan Tinanggap mo ang bawat bagyong dumaraan ah Ibinuhos mo ang pag-ibig mo At nilunod mo'ng bawat kirot sa aking puso Ang pag-ibig mo'y parang ulan na hindi tumitigil Kung pag-ibig mo'y ulan Ang aking mundo sa tubig ay lulutang Kung pag-ibig mo'y ulan Ang aking mundo sa tubig ay lulutang