Kishore Kumar Hits

Amygdala - Lihis lyrics

Artist: Amygdala

album: Lihis


Ang ating halpok na pamahalaan
Ay binubuo ng mga tulisan
Sila'y hindi tunay
Sila ay pumapatay
Habang si kamatayan ay naglalakbay

Ang mahal niyong bansa'y
Inyong pinabayaan
Palakpak, palakpak
Ang bansa'y pumapalpak
Sumigaw, sumigaw
Habang tayo'y humihiyaw
Palakpak, palakpak
Ang bansa'y pumapalpak
Kinagagalak na pakyuhan 'tong alagad lang din ng tuta
Saksakin sa tulis ng katotohanang bibihirang
Mahagilap sa pugad at sugatan na laylayang
Pinagpapasa-pasahan ng gahaman sa yaman
Si kamatayan rumo-ronda nakatutok sa atin
At sila-sila lang din ang humahawak sa karit
"Pinapangako sainyo ako sagot sa pasakit"
Dekada nang sinasampay yang sablay na talumpati
Kaya naman isigaw isigaw!
Wag hahayaang bumara ang lalamunan
Alikabok ng pagbabago'y malabong dumapo
Kung ang kabila na dako'y puro trapo ang pamunas
Alam niyo ba na ang sarap niyong batikusin, kasi yan ang nararapat
Sa likod ng salapi, ang lahat nagkakandarapa
Para-paradang paraan sapilitang pinapasada
Ngunit salinlahing masa'y di na kaya pang lumapa
Ang basura ng basura, ang lagay ay kritikal
Kung pag usad ang usapan, di mahuli kriminal
Baka pili ang pag pili ng bagong tutuldukan
O baka pili ang pag pili sa sahig ng kilusan
Ang kakapal ng balat,, buwaya nga kayo
Pero ba't kami pa lagi naka babad sa lawa ng laway niyo?
Pag 'tong tanong nagpa ramdam, may matatapos sa tuldok
At laway niyo na tumigas sainyo'y ipapalunok
Ng masang pana'y palay ang inaani na galit
Deka-dekadang tinanim sa lupang di magamit!
Gobyerno ng Pinas unang dinig, litaw ang ganid
Kung kauri niyo pa naka toka, matik na
Supalpal sa kaunlaran ang bayan na nasa maling kamay
Di katanggap tanggap dito ang kulay ng 'yong budhi
Di na mag aatubiling ikukubli pa kung harap harapang nangyayari't tayo ang saksi
Sa totoo'y may mas magagawa pa yata
Kung lumiban na lang kesa sa kamangmangan kami ipaglihi
Alalahaning, chismis na ang history, sabi ng soon to be misis
Ang hindi maniwala ay matik soon to be missing
Pana'y pa garbo ng kinis, plastik sa balot ng bihis
Pag ang palakad 'di malinis, kailangang lumihis pasaliwa
La-la-la-la, la-la-la-la-la
La-la-la-la, la-la-la-la-la

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists