Kishore Kumar Hits

frostedglasses - Tiyansa lyrics

Artist: frostedglasses

album: Tiyansa


Milyon-milyong mga tanong ang lumilito
Sa isip kong labong-labo
Pa'no ba nagkatotoo?

Pambawi ba sa 'kin ng tadhana?
Mabigyan ng tiyansang makilala kita
Maski ako, 'di makapaniwala
Pa'no ka sa 'kin napunta?
Ano ba'ng nagawa kong tama
At naging karapat-dapat
Ipagkaloob ka ng Bathala?
Siguro'y may nagawa 'kong tama

Marahil bayani ako sa dati kong buhay
At gantimpala'y maging kaagapay mo
Ikaw ang pumuksa sa mga (lahat ay pinuksa)
Halimaw na dinadala (halimaw na dinadala)
Walang alinlangan mong inibsan ang mga iniinda
Kaya't labis ang pagtataka kung pa'no ka sa 'kin napunta
Ano ba'ng nagawa kong tama
At naging karapat-dapat
Ipagkaloob ka ng Bathala?
Siguro'y may nagawa 'kong tama
At sa oras na nawalan ako ng pag-asang
Maniwalang mayro'n pang nag-aabang na bukas
Agad mong inilikas, sa kawalan ay itinakas (milyon-milyong mga tanong)
Pa'no ka sa 'kin napunta? (Ang lumilito sa isip kong)
Pa'no naging karapat-dapat (labong-labong nagkatotoo)
Ipagkaloob ka ng Bathala?
Ano ba'ng nagawa kong tama
At ikaw ang naging biyaya
Sa lahat ng sinugal kong tiyansa
Ikaw ang pinakatama

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists