'Di ako 'yung tipong mahilig sumugal Nasanay na lamang umasa sa dasal Ayokong tawirin kung mayroong sagabal Hangga't maaari, ayoko munang magmahal Iba-ibang kuwento, saya at pighati Ayokong subukan kung may tiyansang masawi Pa'no 'ko sasabay umindak kung 'di ko alam Ang tugtog ng iyong nararamdaman? Baka naman, imahinasyon ko lang Gawa-gawa lamang ng isip kong walang alam Kundi ang makinig lang ♪ Bawat galaw mo'y labis na nakahahalina (nakahahalina) Parang lahat ng mahirap ay kay dali na (ay kay dali na) Sumasabay pa ang 'yong mga matang nangungusap na 'wag na 'kong mag-alala Napapahinahon mo nga, ngunit 'di mawala ang kaba kung pa'no Pa'no ba 'ko sasabay umindak kung 'di ko alam Ang tugtog ng iyong nararamdaman? Baka naman (baka naman), imahinasyon ko lang (imahinasyon ko lang) Gawa-gawa lamang ng isip kong walang alam Kundi ang makinig lang, oh-oh Oh-whoa At kada kumpas ng 'yong kamay ay halatang tumatamlay Ang barikadang hinanda ng pusong puno ng hinala Kahit 'di ko man aminin, kitang 'yong nakumbinsing Sumugal at sumubok magmahal At sumabay sa pag-indak, 'di man alam Ang tugtog ng aking nararamdaman Kasi baka lang, wagas ang kahinatnan Sawa nang makinig lang, nais ko nang maramdaman Ang indak ng walang-hanggan