Sa araw araw na Dumaraan ay nag- Hahanap ng Bagong ganap nang Sumulpot ka biglaan At ginulantang Ang puso kong bagot Pinawi ang pagkayamot Muling nabuhayan At nagkapagasang Hindi panandalian Ang ating ugnayan Kaya nakakagulat nang Bigla kang nawala Walang kibuan Wala manlang paalam Naglaho't di matagpuan Pagkatapos bulabugin At pakiligin 'Di nagparamdam Bakit pa sinimulan Kung 'di mo pala ko kayang panagutan Tapos malalaman kong Merong bagong nakakausap Oh kay bilis maghanap Balita ko'y nagkakaigihan na kayong dalawa Pasintabi naman Di yung parang ako lang ang hindi nasabihan Kaya't wag magtaka Kung nagulat nang Bigla kang nawala Walang kibuan Wala manlang paalam Naglaho't di matagpuan Pagkatapos bulabugin At pakiligin 'Di nagparamdam Bakit pa sinimulan Kung 'di mo pala ko kayang panagutan Ang nananahimik kong mundo Niyanig mo pero 'di husto Sobrang nakakabitin, nakakaaning Kala ko ako'y gusto Bakit ngayon Daig pa'ng isang multo Sa pag tatago Bakit ba ako Ang nabiktima mo Dahil ba madaling mauto Bakit ako Ang dinalaw ng multo Bakit ako (Bakit ba kasi ako ang nabiktima mo) Bakit ako (Bakit ba kasi ako ang dinalaw ng multo) Bakit ako (Bakit ba kasi ako ang nabiktima mo) Bakit ako (Bakit ba kasi ako ang dinalaw ng multo) Ba't ako ang dinalaw ng multo