Paggising ko, wala ka na
Nag-iisa, wala nang kasama
Ang sabi mo, ika'y lalaban pa
Kahit hirap ka na, sa muling pagkikita
Kaibigan, masyado pang maaga
Kalimutan ang problema
Tagal din nating 'di nagkita
Sa inuman, ako ang unang tatamaan
Mamatay na sa tawanan
Ating dilim nasisinagan
Makasalanan, itulak man tayo ng siraan
Hinding-hindi kita bibitawan
Oh, aking kaibigan, hindi mang-iiwan
Aking kaibigan, humihingi ng kapatawaran
Kung hindi kita napuntahan
Ako ay nang-iwan, sakit lang malaman
Nang paggising ko, wala ka na
Nag-iisa, wala nang kasama
Ang sabi mo, ika'y lalaban pa
Kahit hirap ka na, sa muling pagkikita
Kaibigan, bakit hindi ko maintindihan?
Sa konting oras na ating hiram
Pinagbigyan man lang sana naman ng paalam
Hinding-hindi ko makakalimutan
Nakatatak sa 'king parang larawan
Ating ngiti at pagsasamahan
Oh, aking kaibigan, humihingi ng kapatawaran
Sa marami kong pagkukulang
Ngayon ko nalaman, ang oras ay sayang
Nang paggising ko, wala ka na
Nag-iisa, wala nang kasama
Ang sabi mo, ika'y lalaban pa
Kahit hirap ka na, sa muling pagkikita
Kaibigan, kaibigan
Kaibigan
Kaibigan, oh, kaibigan
Kaibigan, ooh
Paggising ko, wala ka na
Nag-iisa, wala nang kasama
Sinabi mo, ika'y lalaban pa
Kahit hirap ka na, sa muling pagkikita
Поcмотреть все песни артиста