Bakit ba gan'to?
Ang bibilis naman ng tao
Ate, kuya, ano?
Isang text lang, biglang naging kayo
Ano na ba'ng nangyayari?
Nag-chat lang, nagtawagan na ng "baby"
Ito na ba ang pag-ibig ngayon?
Masyado na ba tayong nagmamadali
Ang puso, 'di mapakali, eh, eh
'Di naman ganito dati
Kasi dati, aakyat ng ligaw
Dati, kahit 'di bilhan ng hikaw
Dati, haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta't ang puso mo'y tapat
Isang tula o kahit isang sulat
Dati, dati, eh, eh
Dati, dati, eh, eh, dati
Sana ngayon, katulad lang ng dati
Isang beses, may lumapit sa 'kin
Isang lalaking may hangarin
Sabay tanong, "Ate, ano'ng number mo?"
Sabi ko, "Kuya, call center ba 'ko?
Bakit mo kailangan number ko?"
Sabay back out, 'yun pala, hindi seryoso
'Di naman sa nagpapabebe
Iniingatan lang ang puso, puwede?
'Di naman ganito dati
Kasi dati, aakyat ng ligaw
Dati, kahit 'di bilhan ng hikaw
Dati, haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta't ang puso mo'y tapat
Isang tula o kahit isang sulat
Dati, dati, eh, eh
Dati, dati, eh, eh, dati
Sana ngayon, katulad lang ng dati
Hindi lang ang lalaki ang may kasalanan
Pagkadelikadesa'y 'wag din sanang makalimutan
Dati-rati, ihahatid ka pa
Dati-rati, susulatan ng tula
Dati-rati, susuportahan ka pa
Bakit ngayon, nagpakain sa sistema?
(Dati-rati) Hihintayin ka pa
(Dati-rati) Hindi bigla-bigla
(Dati-rati) Susuyuin ka pa n'ya
(Mga ate)
'Wag magpadala sa bola, ah, ah (ah)
Dati, ika'y nirerespeto
Ngayon, dinedire-diretso
Dati, ikaw lang, sapat na
Ngayon, apat na, kulang pa, kulang pa
Dati, aakyat ng ligaw
Dati, kahit 'di bilhan ng hikaw
Dati, haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta't ang puso mo'y tapat
Isang tula o kahit isang sulat
Dati, dati, eh, eh
Dati, dati, eh, eh
Dati, dati, eh, eh
Dati, eh, eh
Dati, dati, eh, eh
Dati, dati, eh, eh, dati
Sana ngayon, katulad lang ng dati
Поcмотреть все песни артиста