Tila naging sunod-sunuran Naging alipin sa sariling kagustuhan Patuloy na kumakapit at nag bubulag bulagan Sa pangakong binitawan na aking pinanghawakan Punan ang sariling naubos sa iba Bumangon sa pagkadapa Bigyang pagkakataon na makahinga Sabay sabihin na Ako naman. Woah Pwede bang ako naman Kahapon ay pakawalan Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan Ako naman. Ako naman Kung pwede lang naman Wala na bang magagawa. Walang magagawa Araw araw nalang walang patawad. Di ko na kaya O kailan ba? Kailan ba to matatapos Para akong kandilang sinusunog, natira ay upos Hindi ko na, diko na alam ang gagawin Ang sabi nila, aking sarili daw ay mahalin Pero paano? Lahat nalang aking binigay Wala nang natira liban sa sugat saking kamay Tinahak ko bundok na matarik Nilakad ko kahit nakapikit Akala ko kasiyahan koy makukuha Ano nga ba ang kapalit Tanong sa sarili Ito lang ba ang tanging daan Gustong sumuko Pero tuloy na lumalaban At sa pag lipas ng panahon aking napatunayan Sa gitna ng bagyo't kidlat hindi niya ako pinabayaan Kasama koy mga anghel paakyat sa kalawakan Kung saan magniningning higit sa'yong inaasahan Punan ang sariling naubos sa iba Bumangon sa pagkadapa Bigyang pagkakataon na makahinga Sabay sabihin na Ako naman. Woah Pwede bang ako naman Kahapon ay pakawalan Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan Ako naman. Ako naman Kung pwede lang naman Masyado nang mahirap ang aking mga naranasan Sa mga taong lubos kong pinagkatiwalaan Nabulag sa ningning at magandang kinabukasan Naubos ang tinig sa pag tawag ng kaligtasan Inubos na ang sarili para sa iba Siguro nga ay oras na para piliin na Palayain ang sarili sa kadena na Sumasakal sa akin ng ako'y makahinga Ako naman. Woah Pwede bang ako naman Kahapon ay pakawalan Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan Ako naman. Ako naman Kung pwede lang naman Ako naman. Woah Pwede bang ako naman Kahapon ay pakawalan Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan Ako naman. Ako naman Kung pwede lang naman