Huwag kang manalig sa bulong-bulungan Ikaw irog ay pinagtaksilan Pagkat maraming naiinggit lamang Sa ating labis na pagmamahalan Kung ninanais mong mapatunayan Na ang pag-ibig ko'y laging dalisay Dibdib ko irog, buksan mo nang tuluyan Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay Hindi mo lamang Batid ang tunay kong damdamin Irog, ikaw lamang ang iibigin Kahit libong dusa ay hahamakin Kung ikaw ang siyang nagdulot Ay ligaya sa akin Hindi mo lamang Batid ang tunay kong damdamin Irog, ikaw lamang ang iibigin Kahit libong dusa ay hahamakin Kung ikaw ang siyang nagdulot Ay ligaya sa akin