Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon Taginting nitong kudyapi ay isang himatong Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon Puno ng kawayan ay naglangitngitan Lalo na kung hipan ng hanging amihan Ang katahimikan nitong kaparangan Pinukaw na tunay nitong kasayahan Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan Taga-bukid man may gintong kalooban Kayamanan at dangal ng kabukiran Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan Taga-bukid man may gintong kalooban Kayamanan at dangal ng kabukiran Puno ng kawayan ay naglangitngitan Lalo na kung hipan ng hanging amihan Ang katahimikan nitong kaparangan Pinukaw na tunay nitong kasayahan Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan Taga-bukid man may gintong kalooban Kayamanan at dangal ng kabukiran