Kung ang hanap mo'y tunay na pagsinta Buhay sa nayon ang tangi mong pag-asa Tunay na aliw ang doo'y laging makikita Ligaya sa pusong sakbibi ng pagdurusa Iyan ang lunas sa dibdib na may hapis Nagdudulot ng sigla sa pag-ibig Hindi mo mapapansin, hirap na tinitiis Sa tamis ng iyong ngiti sa pag-awit Sa nayon ay masaya, tayo ay maglibang Lahat ay umiindak at nagkakat'waan Ang bawat puso'y tigib ng diwa ng kasayahan Ang kalungkutan ay hindi nararamdaman Kung linimot kang lubos ng dati mong mahal Sa nayon ka mag-aliw, lunasan ang lumbay Pagkat doon ay walang pusong taksil sa suyuan Pag-ibig nila ay wagas magpakailanman