Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin Ang mga hakbang na kung di pagbubutihin Dalawang kawayan tayo'y iipitin Kung magsasayaw ka giliw ng tinikling Kumpas ng kawayan kahit mapatulin Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin 'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw At sa tinikling na tigib ng panganib Ang hindi maingat iya'y maiipit Pusong maharot ganyan din sa pag-ibig Ang nakakamit paghakbang ay ligalig Ang nagsasayaw ay napapahalakhak Sa mga kawayang kay ingay ng lagpak Habang kasabay ang tugtog at palakpak Ang nanonood man ay napapaindak Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin Ang mga hakbang kung di pagbubutihin Dalawang kawayan tayo'y iipitin At sa tinikling na tigib ng panganib Ang hindi maingat naiipit Pusong maharot ganyan din sa pag-ibig Ang nakakamit paghakbang ay ligalig Kung nagsasayaw ka giliw ng tinikling Kumpas ng kawayan kahit mapatulin Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin 'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw