Alin nga bang sasakyan pa? Ang tunay na maginhawa Kung 'di itong dating atin Na kung tawagin ay kalesa Subukin mang sakyan ito Kapag hindi ka nag-enjoy Kahit pabalik-balik lang Sa Quiapo at sa Chinatown Kadalasan pang mangyari Ay kay buti ng kutsero At tunay kang mawiwili Kung masarap makipagkwento Sa haba ng kwentuhan niyo Ay hindi ka malulungkot Kahit mahina ang takbo Ay hindi nakayayamot Kung sasakay ay magdarling Kalesa ang pipiliin Kung may ulan at may hangin Ay may trapal na pantabing Pagkat dito ay kay dilim Hindi sila mapapansin Ang kalesang sadiyang atin Ay bagay sa magsinggiliw O kay inam sakyan ng kalesa Kahit patungo sa Luneta Kahit ka na nag-iisa Tunay ring masisiyahin ka At kung pagmamasdan ang kalesa May kahapong maaalala Ang panahon ng ating naglahong Maria Clara ♪ Kung sasakay ay magdarling Kalesa ang pipiliin Kung may ulan at may hangin Ay may trapal na pantabing Pagkat dito ay kay dilim Hindi sila mapapansin Ang kalesang sadiyang atin Ay bagay sa magsinggiliw At kung pagmamasdan ang kalesa May kahapong maaalala Ang panahon ng ating naglahong Maria Clara