Kishore Kumar Hits

Voices Of 5 - Dapat Pa Ba lyrics

Artist: Voices Of 5

album: Voices Of 5


Nalimot na nga ba ang ating pangako
Na tayo'y magsasama sa hirap at ginhawa?
Ating tinapon, tamis ng kahapon
Tiwala'y naglaho, kaya pa bang magbago?
Ito pa ba'y dapat ipaglaban
Kung tayong dalawa ay nasasaktan lang?
Alipin ng ating nakaraan
Dapat pa bang 'paglaban ang ating nadarama?
Dapat na bang limutin at humanap ng iba?
Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
Dapat pa bang ibigin ka? (Dapat pa ba?)
Dapat na bang limutin na?
Tayo pa nga ba ang para sa isa't isa?
Kay daming pag-ibig na pinalipas na
Pilit binubuhay ang pag-asa
Sa puso natin, siyang naglaho na
Siguro nga, tamang sumuko na
Bakit pinaglalaban pa'ng ating nadarama?
Ba't 'di na lang limutin at humanap ng iba?
Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
Dapat pa bang ibigin ka? (Dapat pa ba?)
Dapat na bang limutin?
Ang bawat yugto't kwento ng ating pagsasama
Ay tila nandito na sa huling pahina
Ang masayang pagwawakas at ng pag-ibig na wagas
Ay nalimot at ating pinalagpas
Dapat pa bang 'paglaban ang ating nadarama?
Dapat na bang limutin at humanap ng iba?
Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
Dapat pa bang ibigin ka?
Dapat pa ba?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists