Kay raming tao sa mundong ito Naghahanap ng kapalaran dito Isang mayaman at isang mahirap lang Nagsisikap silang umasenso At kung ikaw ay isang mayaman na 'Wag ka sanang masilaw sa iyong pera At kung ikaw naman ay isang mahirap lang Konting tiis, kaibigan ♪ Ang problema ng isang mayaman Sa'n n'ya dadalhin ang kanyang yaman? Ang problema naman ng isang mahirap lang Saan s'ya kukuha ng kakainin araw-araw? At kung ikaw ay isang mayaman na 'Wag mong gamitin sa masama ang iyong pera At kung ikaw naman ay isang mahirap lang Konting t'yaga, kaibigan ♪ At kung ikaw ay isang mayaman na Isipin, 'di lahat nabibili ng 'yong pera At kung ikaw naman ay isang mahirap lang Konting sipag, kaibigan, oh ♪ Isang mayaman, isang mahirap Pantay-pantay sa mata ng Diyos Pare-parehong sa lupa ang iyong tungo, oh At 'di mo madadala sa langit ang iyong kayamanan Basta't magsipag ka lang kaibigan