Traysikel ang aking hanapbuhay Kakainin ko'y dito nakasalalay Umaga pa lang, kumakayod na Para may panglangis at may panggasolina Kailangan ko'y sipag at tiyaga Sa Tag ulan kahit basang-basa Umaaraw man, bumabaha man Kailangan ang tungkulin ko dito para sa bayan Minsan nilalait kase maliit Ang kita ko sa maghapon na sobrang hapis Hindi nila alam kahit ako'y ganyan Isa akong bayani dito para sa bayan Minsan kulang at minsan ay sobra Ang bayad ng pasahero kung minsan masungit pa Kahit na ganito, itong buhay ko Kaysarap kumain ng pinaghirapan mo Traysikel ang aking hanapbuhay Kakainin ko dito'y nakasalalay Umaga pa lang, kumakayod na Para may panglangis at may panggasolina Magpasukan na ako ay bising bisi Sa pagsakay at pagbaba ng mga estudyante Kahit ako'y pagod na, umaarangkada pa Para magpahinga ako ng mas maaga Minsan si lola ang aking sakay Kasama ang apo niyang walang kasing ganda Kinakausap lang, tinitingnan ko lang Nagalit na si lola, at ako ay piningot pa Traysikel ang aking hanapbuhay Kakainin ko dito'y nakasalalay Umaga pa lang, kumakayod na Para may panglangis at may panggasolina Sabi ni Inay, ingat ka lang Huwag nalang magtraysikel kapag umuulan Hindi niya alam, kapag umuulan Maraming pasahero ang aking natutulungan Traysikel ang aking hanapbuhay Kakainin ko dito'y nakasalalay Umaga pa lang, kumakayod na Para may panglangis at may panggasolina Kaya ako'y nagtraysikel lang Mahirap talagang kumita ng pera Kahit na ganito, itong buhay ko Kay sarap kumain ng pinaghirapan mo Traysikel, Traysikel Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel Traysikel, Traysikel Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel Traysikel, Traysikel Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel Traysikel, Traysikel Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel