Ang buhay sabungero, wala nang kapantay
Ngayo'y mucho dinero, at bukas, no hay na no hay
Pasikat kung lumogro, pagtalo'y pawisan
Sa oras ng bayaran na todas lahat at sorry na lang,
Kung siya nama'y manalo, lahat masisiyahan,
Maraming lambanog at sari-saring pulutan,
Burot pang magbalato hanggang sa mawalan,
Ganiyan ang sabungero, habambuhay, no hay na no hay
Kung siya nama'y manalo, lahat masisiyahan,
Maraming lambanog at sari-saring pulutan,
Burot pang magbalato hanggang sa mawalan,
Ganiyan ang sabungero, habambuhay, no hay na no hay
Pagbangon sa umaga, ang unang gagawin,
Ang manok na alaga, kaniyang hihimasin,
Ang magandang asawa ay di napapansin,
Dahil sa pagmamahal sa tanging manok na sasabungin,
Pag napansing nanalo ng mahal niyang giliw,
Sa kendeng at karinyo, kuwarta niya'y lilimasin,
Wari'y siya'y naengkanto, tanga'y batikusin,
Iyan nga ang sabungero, bilang nanay, tao rin,
Pag napansing nanalo ng mahal niyang giliw,
Sa kendeng at karinyo, kuwarta niya'y lilimasin,
Wari'y siya'y naengkanto, tanga'y batikusin,
'Yan nga ang sabungero, bilang nanay, tao rin,
'Yan nga ang sabungero, bilang nanay, tao rin.
Поcмотреть все песни артиста