Halina sandali At limutin ang himutok Ang mga mata'y itanaw Sa mga luntiang bundok At sa bukid mo langhapin Ang hanging malamyos Na sing linis ng pagsintang 'Di ko matanos Ang mga pipit sa galak Ay nag-aawitan Ang ibig sabihin, Kay sarap mabuhay! Kung maralita man ikaw At salat sa yaman Ang ginhawa mo'y narito Sa kabukiran Tatalun-talon, iindak-indak Ang tubig sa batis Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas Tulad ng pag-ibig At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit Sa mga pook na ito'y walang hapis Pupunday-punday ang maninipis Na dahong kawayan Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan O ako'y iyo sinta habambuhay Sa gitna nitong masaganang kabukiran Tatalun-talon, iindak-indak Ang tubig sa batis Kung pigilin mo'y pipigla't-pigla't Tulad ng pag-ibig At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit Sa mga pook na ito'y walang hapis Pupunday-punday ang maninipis Na dahong kawayan Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan O ako'y iyo sinta habambuhay Sa gitna nitong masaganang kabukiran