Buong nayon ay kay sigla bawat isa'y nagsasaya Sa baryo tuwing mayroong pista Kasayaha'y iba't iba mayroong mga umiindak May umaawit sa galak May lihim na sulyap ang binatang bukid Sa mutyang marilag Kahit isang munting dampa sa dulang ay mayroong handa Nagsisilbing walang sawa ngiti'y hindi nawawala Sa tuwing sasapit ang pista ligaya ang nadarama Ganyan kami tuwina pagsapit ng pista walang kasing-saya Napaka-inam pagmasdan ang paligsahan sa sayaw Lalo na't magkasintahan ang umiindak ng sabay Ang mga nag-aawitan Kung ang kasaliw ay hirang tila walang pagod sa maghapong paligsahan Sa gabi ay mayroong dula na tinatanghal sa madla May mga nakatutuwa sa drama ay maluluha May mga nangagsisiga nang ang lamig ay mawala Ganyan kung may pista sa aming baryo sa tuwina Napaka-inam pagmasdan ang paligsahan sa sayaw Lalo na't magkasintahan ang umiindak ng sabay Ang mga nag-aawitan Kung ang kasaliw ay hirang tila walang pagod sa maghapong paligsahan Sa gabi ay mayroong dula na tinatanghal sa madla May mga nakatutuwa sa drama ay maluluha May mga nangagsisiga nang ang lamig ay mawala Ganyan kung may pista sa aming baryo sa tuwina Ganyan kung may pista sa aming baryo sa tuwina