Ano na naman ba'ng dahilan Bakit mo ako "inindyan" Di ka man lang nagparamdam O di kaya'y tumawag man lang Sabihin mo na lang kung ayaw mo na Para di na ako aasa pa Kung anu-ano pang iyong dahilan Lalo lang akong nasasaktan H'wag mo na akong paasahin pa Kung wala ay agad sabihin mo na H'wag ka nang magpahiwatig pa Ibabaling ko na lamang sa iba At baka doon ay meron pang mapala (Chuchuru chu, chuchuru chu, chuchuru chu chuchuru chu chuchuru chu) Ang laki pa naman ng aking ngiti Sapagkat sa wakas makikita kang muli Sa sobrang tuwa ako'y di mapakali Iniisip ko ito araw gabi May surpresa pa naman akong dala-dala At sigurado akong ika'y matutuwa Ngunit sa inis ko ay biglang nawala Kaya't hinagis ko na lamang sa basura H'wag mo na akong paasahin pa Kung wala ay agad sabihin mo na H'wag ka nang magpahiwatig pa Ibabaling ko na lamang sa iba At baka doon ay meron pang mapala (aaah) Mapala (aaah) Mapala Mapala (aaah) Sabihin mo na lang kung ayaw mo na Para di na ako aasa pa Kung anu-ano pang iyong dahilan Lalo lang akong nasasaktan H'wag mo na akong paasahin pa Kung wala ay agad sabihin mo na H'wag ka nang (H'wag ka nang) magpahiwatig pa Kung wala ay agad sabihin mo na H'wag ka nang (H'wag ka nang) magpahiwatig pa Kung wala ay agad sabihin mo na H'wag ka nang (H'wag ka nang) magpahiwatig pa Ibabaling ko na lamang sa iba At baka doon ay meron pang mapala Ibabaling ko na lamang sa iba At baka doon ay meron pang mapala (Chuchuru chu chuchuru chu chuchuru chu chuchuru chu chuchuru chu)