Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka Sino ba 'tong mukhang gago, nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba? Mayro'n pang dalang mga rosas Suot nama'y maong na kupas At nar'yan pa ang barkadang nakaporma't nakabarong Sa awit na daig pang minus one at sing along Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin Sa 'yong tingin, ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana para sa 'yo ♪ Hindi ba't parang isang sine? Isang pelikulang romantiko At 'di ba't ikaw ang bidang artista at ako ang 'yong leading man Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas? Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin Sa 'yong tingin, ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana para sa 'yo