Kishore Kumar Hits

APO Hiking Society - Awit Ng Barkada lyrics

Artist: APO Hiking Society

album: The Best Of APO Hiking Society, Vol. 2


Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob

Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa?
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa

Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo
Oh, ikaw naman
Kung sa pag-ibig may pinagawayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y 'di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y magkatambakan
Ang mga utang, 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo
Oh, ikaw na
Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan
Sa 'yo ay may nakalaan
Kami'y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
'Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo
Kasama mo, kasama mo

Kasama mo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists