'Di ba sabi mo na walang hanggan? Ang ating suyuan at lambingan Ngunit bakit parang bigla na lang Wala na ang mga apoy sa 'yong mga labi? 'Di ba tayo ay nagsumpaan pa? Na tayo'y para sa isa't isa Ngunit bakit ang pagmamahalan Bigla mong binawi, puso ko'y kay hapdi? Parang hating-gabi ang kulay ng buhay ko At 'di malaman kung saan tutungo Nasaan na ang liwanag Nasaan na ang ligaya na dating nadama ♪ 'Di ba sabi mo na ako lamang? Ang para sa iyo at iyo lamang Ngunit bakit parang bigla na lang Ako'y pinalitan, ako ay iniwan? Parang hating-gabi ang kulay ng buhay ko At 'di malaman kung saan tutungo Nasaan na ang liwanag? Nasaan na ang ligaya na dating nadama? Parang hating-gabi ang kulay ng buhay ko At 'di malaman kung saan tutungo Oh, nasaan na ang liwanag? Nasaan na ang ligaya na dating nadama? Wala nang apoy sa iyong mga labi Wala nang sigla sa ating pag-ibig Ooh, wala nang apoy, wala nang lambing Ooh, nasaan na ang dating pag-ibig?