Kishore Kumar Hits

APO Hiking Society - Paano? lyrics

Artist: APO Hiking Society

album: Songbuk


Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa 'yo?
Paano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan?
Pangako ko ang puso mo'y hindi pakakawalan
Paano mo maiintindihan na ako'y nananabik?
Oh, kailan ko kaya madarama ang tamis ng 'yong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal?
Sana nama'y pagbigyan mo, hiling ng puso ko
Subukan mong magmahal, oh, giliw ko
Kakaiba'ng ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang, tanging sasambahin
'Wag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa 'yo?
Paano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan?
Pangako ko ang puso mo'y hindi pakakawalan
Subukan mong magmahal, oh, giliw ko
Kakaiba'ng ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang, tanging sasambahin
'Wag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba
Subukan mong magmahal, oh, giliw ko
Kakaiba'ng ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang, tanging sasambahin
'Wag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba
Subukan mong (subukan mo) magmahal, oh, giliw ko
Kakaiba'ng ligayang matatamo (matatamo)
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang, tanging sasambahin (ikaw lang ang sasambahin)
'Wag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba
Subukan mong magmahal, oh, giliw ko
Kakaiba'ng ligayang matatamo (matatamo)
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin ('di ko gagawin)
'Pagkat ikaw lang, tanging sasambahin
'Wag ka nang mangangamba

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists