Sabay-sabay itaas ang kamao Sabay-sabay itaas ang kamao Sabay-sabay itaas ang kamao Sabay-sabay itaas ang kamao Hakbang pasulong, mga pusong-pugon Sa pula't bulong ay apoy ang tugon Sunog ang bubong ng pagkakakulong Ang bola'y bilog at ang buhay, gulong Sumasalubong at sumasalungat Ga'no man kalakas ang mga tumapat Bawat pagsubok, aral na bakat Bawat sablay, marka ng pag-angat Kaya muling nagpapakilala Diwang pinanday ng pakikibaka Pagkakaisa ng mga abilidad 'Di lang pangkat, kami ay komunidad Unibersidad ng Pilipinas Tapang, talino, at tikas Banderang iwinawasiwas Utak, puso, giting, gilas Unibersidad ng Pilipinas Tapang, talino, at tikas Banderang iwinawasiwas Utak, puso, giting, gilas Sugod mga sundalong subok Nang lumapag, pumalag sa tuktok Suot ang dangal ng suportang malakas Mapagpakumbabang tumanaw pataas Ngayon handang-handa na sa lahat Walang atrasan ano mang kaharap Lumalagablab, luntian at pula Alab na 'di maaapula Iskolar ng bayan, ngayon ay lumalaban Ngayon ay lumalaban, iskolar ng bayan Iskolar ng bayan, ngayon ay lumalaban Ngayon ay lumalaban, iskolar ng bayan Unibersidad ng Pilipinas Tapang, talino, at tikas Banderang iwinawasiwas Utak, puso, giting, gilas Unibersidad ng Pilipinas Tapang, talino, at tikas Banderang iwinawasiwas Utak, puso, giting, gilas