Kishore Kumar Hits

Musikangbayan - Ang Tugon lyrics

Artist: Musikangbayan

album: Musikangbayan: 20 Taong Paglikha at Pag-awit para sa Bayan


Ika'y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi, pilit na umalpas
'Pagkat hanap mo'y ningning at laya ng bukas
Sa aking mundo'y napadpad
Tulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin
Upang pag-ibig mo'y iparating
Sa rosas ng 'yong paningin
Ako'y nagagalak at tayo'y nagkasama
Sa bawat pangarap, sa piling ng masa
Magkahawak kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya

At kung mayro'ng unos at bagyong dumating
At tatag ng pag-ibig nati'y subukin
Sa isa't isa'y hindi hihiwalay
Digma'y ipagtatagumpay
Ako'y nagagalak at tayo'y nagkasama
Sa bawat pangarap, sa piling ng masa
Magkahawak kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya
Ako'y nagagalak at tayo'y nagkasama
Sa bawat pangarap, sa piling ng masa
Magkahawak kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya
At isang pag-ibig, tunay at dakila

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists