Kishore Kumar Hits

Musikangbayan - Di Pangkaraniwan lyrics

Artist: Musikangbayan

album: Musikangbayan: 20 Taong Paglikha at Pag-awit para sa Bayan


Kahanga-hanga kayong ang sariling
Laan sa pagsisilbi
Kayong ang ligaya ay nasa ngiti
Ng bawat dukha't api
Walang hinahangad na gantimpala
Kundi ang makitang bayan ay malaya
Walang katumbas ni anumang halaga
Dakila ninyong gawa
Mabuhay kayong mga 'di pangkaraniwan
Pag-ibig ninyo ay walang hangganan
Mabuhay kayong lubos ang katapatan
Mabuhay kayo kailanman
Kahanga-hanga kayong bumabago
Sa lipunan at sa mundo
Ang kabuluhan ninyo'y mamamalagi
At 'di maitatanggi
Sa bawat pahina ng kasaysayan
Ay gintong talang laging masisilayan
At ang kahulugan sa mahihirap
Liwanag ng isang bagong bukas
Mabuhay kayong mga 'di pangkaraniwan
Pag-ibig ninyo ay walang hangganan
Mabuhay kayong lubos ang katapatan
Mabuhay kayo kailanman
Mabuhay kayong mga 'di pangkaraniwan (puno ng pag-asa)
Pag-ibig ninyo ay walang hangganan (magpapatuloy, hindi mabibigo kailanman)
Mabuhay kayong lubos ang katapatan (kayong nagpapalaya)
Mabuhay kayo kailanman
Mabuhay kayong mga 'di pangkaraniwan (puno ng pag-asa)
Pag-ibig ninyo ay walang hangganan (magpapatuloy, hindi mabibigo kailanman)
Mabuhay kayong lubos ang katapatan (kayong nagpapalaya)
Mabuhay kayo, mabuhay kayo
Mabuhay kayo kailanman

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists