Kishore Kumar Hits

Musikangbayan - Awit sa Kasama lyrics

Artist: Musikangbayan

album: Musikangbayan: 20 Taong Paglikha at Pag-awit para sa Bayan


Saan ka man naroroon, sana'y ligtas at mabuti
Sa piling ng masang dukha't inaapi
Oh, kay tagal na rin noong tayo'y huli na nagkita
At nagsabi sa isa't isang "Kumusta na?"
Mula nang tayo'y magpasya
Na lakbayin ang bukas na malaya
'Di man tayo magkasama sa araw-araw na gawain
Pinag-uugnay tayo ng isang dakilang mithiin
At 'wag nating kalimutan sa'n man tayo makarating
Ang kasaysayan ay laging nasa panig natin

At sana nga ay magtagpo ('pagkat ako'y nasasabik)
Makakwentuhan na muli (sa piling mo maglalambing)
At ang danas ng isa't isa'y ibahagi (at sa tamis ng iyong ngiti, nagniningning)
Ligaya, hirap at lumbay (nagbibigay ng pag-asa't)
Pagkabigo at tagumpay (liwanag na makita)
At ang gintong aral nitong gumagabay (ang 'sang tunay na daigdig na malaya)
Sa landas nating pinili
Niyakap nang buong puso't itinatangi
'Di man tayo magkasama sa araw-araw na gawain
Pinag-uugnay tayo ng isang dakilang mithiin
At 'wag nating kalimutan sa'n man tayo makarating
Ang kasaysayan ay laging nasa panig natin
At 'wag nating kalimutan, tayo'y hindi madadaig
Hangga't sa bayan ay tunay ang pag-ibig natin

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists