Kishore Kumar Hits

Musikangbayan - Ito Ba? lyrics

Artist: Musikangbayan

album: Musikangbayan: Selected Songs


Minsan kaming naniwala sa 'yong sinasabi
Naganaha'y muling umasa na may mangyayari
Sa mga pangako at talumpati
Na ngayon ay napako, nawalan ng silbi
Paiba-iba mong isip, pilit naming inunawa
Sinikmura't tiniis, baho ng iyong bunganga
Sa pag-aakala na may matatamo
Sa pagitan ng mga putangina mo
Kumilos din kami ng ayon sa batas
Ngunit ang 'yong ganti, pananakot at dahas
Ito ba ang pagbabagong parating?
Ito ba ang pagbabagong parating?
Ito ba ang pagbabagong parating?
Na sa aming karapatang pantao'y kikitil

Gaano man kahusay maglaro at magpanggap
Ang tunay mo na kulay sa huli'y malalantad
Milyun-milyong bulag ay mamumulat
Milyong pipi't bingi ay magsasabi
Kumilos din kami ng ayon sa batas
Ngunit ang iyong ganti, pananakot at dahas
Ito ba ang pagbabagong parating?
Ito ba ang pagbabagong parating?
Ito ba ang pagbabagong parating?
Na sa aming karapatang pantao'y kikitil
Ito ba ang pagbabagong parating?
Ito ba ang pagbabagong parating?
Ito ba ang pagbabagong parating?
Na sa aming karapatang pantao'y kikitil
Ito ba ang pagbabagong parating?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists