Katotohanan ay sisikat (katotohanan ay sisikat) Walang sinumang makahahadlang (walang sinumang makahahadlang) Parang araw na umaangat nagbibigay ng liwanag Upang mga matang pikit at mga nakasarang isip mamulat, mamulat, mamulat Katotohanan ay iihip (katotohanan ay iihip) Walang sinumang makahahadlang (walang sinumang makahahadlang) Parang hanging umaawit, humahaplos Umaandop sa mga tengang 'di makarinig At mga pusong nagmamanhid ay lunas, ay lunas, ay lunas Kung tayo'y maninindigan at magsasama-sama Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya Kung tayo'y maninindigan at magsasama-sama Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya ♪ Katotohanan ay dadaloy (katotohanan ay dadaloy) Walang sinumang makahahadlang (walang sinumang makahahadlang) Parang tubig na tuloy-tuloy, naglilinis Naglilinaw sa mga katuwirang malabo Na nanlilinlang nanlilito sa bayan, sa bayan, sa bayan Kung tayo'y maninindigan at magsasama-sama Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya Kung tayo'y maninindigan at magsasama-sama Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya Kung tayo'y maninindigan at magsasama-sama Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya Sa ngalan ng katotohanan tayo'y lalaya