Kishore Kumar Hits

Musikangbayan - Paglatag Ng Dilim lyrics

Artist: Musikangbayan

album: Musikangbayan: Selected Songs


Paano matutulog sa gabi
Kung ang iyong kumot ay pangamba?
Paano hihimbing ng mabuti
Kung may bangungot na nakaamba?
Pa'no, paano muling makikita?
Ningning ng umaga
Pa'no paano muling makikita
Ningning ng umaga
Paano matatahimik sa gabi
Kung anak mo'y 'di pa nauwi?
At may sumisigaw ng saklolo
Hindi ako ang hanap niyo, huwag po
Pa'no, paano muling makikita?
Ningning ng umaga
Pa'no paano muling makikita
Ningning ng umaga
Kung naghaharing halimaw, gising sa magdamag
At laging nauuhaw sa dugong dumadanak
At nag-aatas sa kanyang alagad
Pumaslang, pumaslang, pumaslang

Paano papayapa ang gabi
Kung hustisya'y 'di nalalasap?
Ng mga naulila't inapi
Na may bantang maningil ng buong dahas
Taglay ang pangako na muling makikita
Ningning ng umaga
Taglay ang pangako na muling makikita
Ningning ng umaga
At paghahari ng halimaw ay magwawakas
Mapapawi, malulusaw, dilim na lumaganap
Liwanag ng bukas ay muling yayakap
Sa bayan, sa bayan, sa bayan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists