Kishore Kumar Hits

The Axel Pinpin Propaganda Machine - Sumpa Na Naging Sumpa lyrics

Artist: The Axel Pinpin Propaganda Machine

album: Hindi Isasatelebisyon Ang Rebolusyon


Nang una kong malamang ikaw ay Haciendero
Isinarado ko na ang tenga ko
Nagpapaalala ka sa Mendiola
Nagpapaalala ka sa Luisita
Nang una kong malamang ikaw ay Haciendero
Isinarado ko na ang tenga ko
Nagpapaalala ka sa Mendiola
Nagpapaalala ka sa Luisita
Sa unang akyat mo pa lamang para magtalumpati
At nakita namin ang iyong ngiti na nagiging ngisi
Alam na naming lilinlangin mo kami
Sa unang akyat mo pa lamang sa entablado
At binanggit mo kung sino ang Boss mo
Alam na naming wala sa amin ang direksyon ng iyong hintuturo
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa na naging sumpa
At sampu ng magsasakang iyong pinaslang at pinapaslang
At inagawan ng lupa
Ang sumpa ay naging sumpa
Sinabi mong walang rekonsilyasyon kung walang hustisya
At umasa ang tao sa katarungang magpaparusa sa may sala
Sinabi mong maari na muling mangarap
At dilat, salat, nagpapanggap na panaginip ang sa pag-asa nami'y wumasak
Sa unang araw mo pa lamang
At wala kang inatupag kundi pagpapahuli sa wang-wang
Alam na naming ang iyong utak ay makitid at walang laman
Sa ikalawang araw mo sa palasyo
At lumikha ka ng mga palpak na EO
Alam na naming hindi ka marunong mag-gubyerno
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa na naging sumpa
Sa unang taon mo pa lamang
Na ang nakikinabang ay ang iyong kapamilya, kaibigan at ka-barilan
Alam na naming nagkamali sa pagpili ang taumbayan
Sa unang taon mo pa lamang sa Malakanyang
At nagkibit-balikat ka sa kahilingang lupa at sahod ng mamamayan
Alam na naming ang interes ng iyong uri ay hindi mo isasalang
Sa unang dalawang taon mo pa lamang
At mahigit 'sang daang aktibista na ang pinaslang
Alam na naming ang Daang Tuwid ay libingang duguan
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa na naging sumpa
Hindi sa aming ngalan
Na mangangayupapa ka sa Kano
Para sa negosyo
Hindi sa aming kapakanan
Na kukunin mo ang Korte Soprema
Para mabawi ang iyong Hacienda
Hindi sa aming ngalan
Na pipilipitin mo ang hustisya
Para makuha mo ang korona
Hindi sa aming dugo
Hindi sa aming lupa
Hindi sa aming biyaya
Hindi sa aming ngalan
Nalalapit na ang pagtatapos
Kaya't handa kami sa pagtutuos
Tutuusin namin ang bawat araw
Na di ka man lamang nagbigay-tanaw
Ni nagbigay nang oras o puwang
Sa gitna ng pagkahaling mo sa wang-wang
Sa gitna ng paglalaro mo ng video game
At pagmamaneho ng Porsche
Sa gitna ng pag-aaliw mo sa mga seksing babae
At pakikipag-date kay Grace Lee
Sa gitna ng pagkain mo ng hotdog sa New York
Sa gitna ng pag-ihip mo sa kondom
Ang sumpa mo'y naging sumpa
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa!
Sumpa na naging sumpa
Sumpa na naging sumpa
Sumpa na naging sumpa
Dahil walang daang patag patungong pagbabago
Dahil walang daang kinis patungong pagbabago
Dahil walang daang matuwid patungong pagbabago
Kalayaan ang tungo kahit baku-bako
At kahit bawal magcounterflow – sa kaliwa ang liko

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists