Kishore Kumar Hits

Calix - Monday - San Na? lyrics

Artist: Calix

album: IKUGAN


"Gusto ko ng bago sa buhay ko"
Yan ang madalas kong sinasabi, habang nag bubuntong hininga
Di ko alam kung bakit hindi ako
Mapakali kahit nakapwesto na ang pasimula
Binubuksan ko parin ang aking bintana. Nag aantay
Habang inaantay din ako ng mga maari kong maiwan
At sa pag silip, ako'y binati ng tagapag dala ng apoy
Liwanag na nakaka-akit, inimbita akong umalpas mula
Sa kastilyong pinag-hirapan kong itaguyod
Masisi mo ba ako?
Napakarami kong gusto sabihin sayo,
Di ko maatim na iniwan mo nalang ako
Habang nag dudusa'y hinihintay magkusa,
Hihilom din ako at titigil na mag-luksa
Pero bakit ganito?
Ano nga ba ang hugis ng pagkatao ko sayo?
Nasa pedestal ba ako't di tatablan ng panibugho?
Sa sinapit ng ating pag-sasamang minahal ko ng todo
Alam mo naman na tayong dalawa lang ang tanging mundong tinuturing ko
Di ko alam ang gagawin habang gumuguho na lahat
Naka piring ang mata at labi habang ikaw lang ang nag sasalita
Tumatakbo sa isip ko ang mga landas na nilakbay nating pareho
Habang ang puso ko'y takot na takot, ano nga ba pagkatapos nito?
Mga yakap at halik napalitan ng malamig na pader
Ang lasa ng asukal, lasa na ng bakal,
Alam kong sa loob may tumutbong kanser
Sa pag tingin sa salamin ay may
Tanong, ano nga ba ang kailangan kong gawin?
Aakuin ko nalang ba?
Aaminin ko nalang ba? Na sa huli ako rin may salarin?
Bakit di ko kayang magalit sayo?
Sa dami ng dahilan, di ko na matandaan kung san nag simula
Sa dami ng usapan, di ko na naririnig ang mga salita
Umaapaw na damdamin, kinakapos pa din
Marupok na tulay, natatangay ng hangin
San ba tayo sumablay? Tinatanong mo din?
(Pano ba nang yari 'to?)
Tayo'y nag-layag patungo sa karagatan
Ang gamit sa pag-sasagwan ating mga karanasan
Inakala natin na malayo na nararating
Sa dami ng mga bagyong di tayo napipigilang
Umabante, sa isa't isa naka-depende
Nakalimutan na, hindi to permanente
Kahit gano katigas, pag hindi nag iisip
Higpitan mo man ang hawak ay tiyak mahahagip...
Ng hangin
Kelangan din naman kasi aminin
May pagkukulang ako, at nagkulang ka rin
Di mabubuo kung tayo'y di nakatingin
Sa parehong direksyon, at panay pagpuna
Sa isa't isa kahit na may naka-ambang
Delubyo, na kailangan nating harapin
Pareho, tayo'y tumingin sa salamin
Tanungin mga sarili kung bakit ganito?
Kung bakit humantong sa mga puso na durog
Kung bakit bumagsak sa kaunting alog?
Kung bakit hinintay pa natin tayo'y ma-untog
Klaro na ba?
Napatawad na kita sarili ko hindi pa
Bigyan natin ng oras ang isa't isa
Hulmahin ang mga piyesa bago natin ipagsama
Bakit di ko kayang magalit sayo?
Wala namang kasi talagang madali na daan
Pero lahat ng 'to ay tiyak na may dahilan
Kelangan lang imulat ang mata sa katotohanan
Malamang sa malamng makikita mo rin ang paraan
Ang paraan (Wala namang kasi talagang madali na daan) 4x
Maraming kasalanan ang tito mo, iho
Pinalalampas nalamang ng Tita Berna mo
Tulad ng ganito ganyan, at yung iba pa dyan
Kahit pala ang Tita Berna mo, ay mayroong hangganan
Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito
Minahal ko lamang ang Tita Berna mo.
Iisa lamang ang hiling ng tito mo
Ito ay pagbigyan muli ako ng Tita Berna mo
Umuwi na sana sya't ako ay tabihan
Ako na ang magluluto, maghuhugas ng pinggan (ahh)
Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito
Minahal ko lamang ang Tita Berna mo.
Sa dinami-dami, sa dinami-dami
Ang dami-daming tita sa mundong ito
Sa dinami-dami, sa dinami-dami
Minahal ko lamang ang Tita Berna mo
Sa dinami-dami, sa dinami-dami
Ang dami-daming...
Sa dinami-dami, sa dinami dami...
Berna, mahal na mahal kita
Sana'y bumalik ka na sakin
At wag na akong iwanan pagkailan pa
Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito...
Minahal ko lamang, minahal ko lamang
Sa dinami-dami, sa dinami-dami
Sa dinami-dami ng tita sa mundo.

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists