Binary Calix (Philippines) Tikas mo pala(Macho) Di maka-laba o maka-hugas ng pinggan? "Mabuti ng batugan kesa sa mahusgahang Malambot"? Imaheng iyong ina-alagaan binary ang galawan, naka-base lang sa ari Porket may lawit, ikaw na ang nagmamay-ari ng mundo? Akala mo lahat nalang sayo? Kasing liit lang naman ng etits mo yang utak mo Sa daan, walang papipigil Kung makatitig sa babae, nababaliw, sa sobrang gigil Malibog din ako, pero hindi katulad mo Di ko kailangan mambastos dahil sa kalibugan ko May dahilan kung bakit ang utak nasa bungo Hindi nilalagay sa loob ng iyong pantalon Kung totoo ang diyos, sige, syang nga ay lalaki Abandonado ang anak, at nagtatago lang sa langit Kung maka-hingi ka ng respeto kala mo pinaghirapan Ang sariling mong ina hindi mo nga maalagaan Yung kapatid mo nga hindi mo mapagtanggol Sya pa may kasalanan dahil sa shorts nya na ulol Ang mga tambay doon sa kanto. Bakit di mo mapatulan? Akala ko ba macho ka? Bat di mo nga lapitan? Ipakita mo nga na macho ka? Suntukin mo sa bunbunan! Nasaan ang pagka-macho mo, kung babae lang ang papatulan? Walang kwenta yang pag-flex mo kung ang kontexto ay machismo Matapang ka lang pag nasaktan na yang napakaselan mong ego? Nanggigigil pag babae nangunguna? Mahalaga ba yan sa kalidad yang katangahan na pinapairal? Ano ba ang mahirap sa pag respeto ng kapwa? Ito na ba ang hangganan ng iyong diwa? Kahibangan na kayo lang ang mga tao sa tuktok Yung akala mong matigas sayo, yun pa ang marupok "Kilala mo ba kung sino ako?" Yan ang bitaw ng mga siga-sigaan Sa kahit anong lupalop ng bansang ito Pinangalanan: "kilala ko si ganito't ganyan Kaya't wag kang bubunggo kung 'di mo papanindigan" Kala mo naman kung sino, eh chinuchupa mo lang Yang tatay-tatayan mo na iyong pinagyayabang! Ang Padrino, Ang Amo: yan ang sanhi ng sakit Ang lalakas ng loob dahil umaasa sa kapit Kapalit ng indibidwalismo: seguridad at samahan Dibale't nang sunud-sunuran basta't walang iwanan Walang iwanan sa panloloko't panghahalay Panggagamit mo sa kapwa diyan ba dapat nakabatay? Ang pagiging tunay na lalake? wala ka lang bayag Na gawin ang tama dahil labag sa gusto ng iyong brod O ano brod? akala ko matapang ka? Bakit di mo kayang tumayo't magisip magisa? Usisahin mong mabuti ang pinagmulan ng takot mo Wag mong ipagpalit ang pagkalalake sa pagkatao mo Dahil ang katapangan ay walang kinalaman Sa pagiging lalake't babae o ano mang kasarian Prinsipyo, kabaitan, katarungan, dignidad Yan ang dapat batayan ng karunungan at kalidad Hindi sintensya sa preso o yang street cred mo Mahiya ka sa mga nagsusumikap umasenso Na mas mahirap sayo pero walang tinatapakan Mabigat ka nga tol: pabigat ka lang sa bayan Hindi lahat ng siga'y nagaanyong lalake: Daig ka pa ng batang nangangalakal sa kalye Daig ka pa ng tagabili ng dyaryo't bote Daig ka pa ng masunuring estudyante Daig ka pa ng taong mapakumbaba Daig ka pa ng nanay na nag aaruga