Sa araw-araw ginawa ng diyos Sinusubukan kong kumayod na walang na babastos Walang natatapakan At Iniingatan di makasagasa Ng kapwa kong damang-dama Ang kahirapan Ngunit bakit sa pilit Kong mabuhay ng tuwid Ay may makitid ang utak Na gusto pang sumingit Gustong makihati Sa ani Habang walang bakas ng dungis Ang kanilang damit Hindi ako santo, walang balak magka rebulto na sasambahin ninyo Ako ay hamak lang nanilalang na iiniisip Kung ano ang kakainin sa makalawa Dahil sa liit ng sweldo Kaya ano ang iniisip mo itutok sakin yang baril Na nangangamoy dugo Boy, walang wala na nga ako Pati naman buhay ko nanakawin nyo Ser, pasensya na walang personalan Di ko matiis na walang gagawin Sa aking kalagayan Nangangailangan si Misis Ng gamot sa matres Sya'y buntis sa aming una Sa sawing palad ay May kumplikasyon mula pa sa pagdadalaga Pagka't ginahasa sya Ng limang gagong pinagkatiwalaan nya At tinuring nyang kadugo At tinuring nyang parang kuya Nasaan na ba ang hustisya Nasaan na ba? Hesusmaria Sinunod ko ang batas At kami'y nag sampa Pero na bali-wala Kumayod din naman ako Nag-banat ng aking buto-buto Kinapos pa din ang ipon At ngayon Nakatutok sa iyo ang baril Na ginamit ko Pamatay gago Ser sige na, ibigay mo na Kahit yang selpon mong napaka-mahal Pandagdag bayad lang sa ospital Mamatay na ang lahat wag lang aking mahal Ano pa ang silbi kung wala na sya Handa kumitil basta makita Ang ngiting kay dalisay Nasabisig si panganay Kaya, Ser, pagbigyan niyo na ako please Pero boy sana maintindihan mo Hindi ito sagot Hindi ito solusyon Pinipilit mong makita Ang ilaw sa dulo ng walang hanggang pag durusa Ang kapalit ba'y masaktan Sa ngalan ng buhay na hindi tiyak kung may ginhawa Pinipilit mong makita Ang ilaw sa dulo ng walang hanggang pag durusa Ang kapalit ba'y masaktan Sa ngalan ng buhay na hindi tiyak kung may ginhawa Pinipilit mong makita Ang ilaw sa dulo ng walang hanggang pag durusa Ang kapalit ba'y masaktan Sa ngalan ng buhay na hindi tiyak kung may ginhawa Dios ba o tao, sino ba ang huhusga? Habang iniisip mo, dumadami ang duguan Dumadami ang gutom, dumadami ang ligaw