Sa dinami ng taon, ba't kami linalang Sa talino, sa talento, at pamumuno 'Pag sila'y 'di kontrolado, ba't sa amin sinisisi Sino pa ang inapi, mawawalan ng salapi Sumubok o sa hindi, sa korte man na labanan Babae parin ang dehado Ang dehado Nakakapagtakang, walang babaeng Walang kilalang hindi inabuso na babae Bakit tila takot sila sa amin? Nababahala ang damdamin 'Di tanggap na kayang kaya namin Kahit wala sila, langit ay hawak namin Paano kinakayang tumitig sa salamin Kahit na ang lipunan ay may pamantayang dinikta sa amin 'Di na magtataka, kung bakit ganyan sila Sa macho-pyudal na sistema Kumakapit Maria Clara ang hinihingi Ngunit isang Gabriela'y igigiit Hindi tayo papailalim Sa mga kagustuhan nila't hiling Pinipilit busalan ang bibig Ang himig ng babaeng nagsasabing Sobra na, tama na Kami ay lalaban na Abante, babae Palaban at militante Abante, babae Palaban, palaban, palaban ka At militante