Mamang pulis, bilis, ikaw ay sisintensyahan Ng nagpupuyos sa galit na sambayanan Babad sa dugo ang kamay niyong sanay na sa karahasan Dugo'y dadanak sa kung saan kayo naman ang bibigwasan Mamang pulis, bilis, ikaw ay sisintensyahan Ng nagpupuyos sa galit na sambayanan Babad sa dugo ang kamay niyong sanay na sa karahasan Dugo'y dadanak sa kung saan kayo naman ang bibigwasan "Boy dapa!" 'yan ang una ko na narinig Kamay na bakal ni tatay, humawak sa leeg Mamang pulis, sa akin bang pananamit? Ang kapalit ay buhay Lalaban lang, walang bitbit (walang bitbit) Lumalaban lang Bumuboses lang 'Di pawiwindang Ang kalaban ay namamaslang Nanlilinlang, namimintang Mga gawa-gawang kaso Kami rin naman ay tao Sumusunod sa mga aso na Mga demonyo ng estado! Tama na, mag-alsa Masa ang magpapasya Sunod-sunurang mga baboy, ay hindi na uubra Oras nang magkahulihan Ng pagtapak sa karapatan Mga taksil sa sambayanan Mga taksil ng kapulisan Nagkakamali ba akong sabihing kayo'y abusado? Malamang hindi Sa mga balita, kayo ang tinuturo Na salarin sa patuloy na pamamaslang Sa baril ay nahibang-hibang! Berdugo na puro bintang Na kami ay terorista o komunista Anong mali doon? Buhay na ang binabaon sa utos ng inyong poon Mga wala kayong puso, kaluluwa'y halang Buhay ng tao'y lina-"lang" ng mga brutal na nilalang Oh, pa'no niyo na nasisikmura ang kasahulang ito? Sa nalalapit na pagbawi ng masa, mananagot kayo Mamang pulis, bilis, ikaw ay sisintensyahan Ng nagpupuyos sa galit na sambayanan! Babad sa dugo ang kamay niyong sanay na sa karahasan Dugo'y dadanak sa kung saan kayo naman ang bibigwasan Mamang pulis, bilis, ikaw ay sisintensyahan Nagpupuyos sa galit na sambayanan! Babad sa dugo ang kamay niyong sanay na sa karahasan Dugo'y dadanak sa kung saan kayo naman ang bibigwasan PNP: Palaging Nanlaban, Patay Iskemang pangduwag at taktikang pumapatay Pampatahimik daw sa mga nag-iingay? P'wes, ang plano niyo'y palpak at hindi magtatagumpay PNP: Palaging Nanlaban, Patay Iskemang pangduwag at taktikang pumapatay Pampatahimik daw sa mga nag-iingay? P'wes, ang plano niyo'y palpak at hindi magtatagumpay