Kishore Kumar Hits

Plagpul - KPLS lyrics

Artist: Plagpul

album: Tard World Problems


Kung pwede lang sanang ika'y aking kasama
Ka-date, ka-hold hands, ka-buddy sa barikada
Kung pwede lang sanang sa iyo'y maipakita
Na tayo'y mas okay kung tama ang sistema
Kaso hindi, lipunan ay dapat pang baguhin
Bakit hati ang oras sa 'yo at sa tungkulin?
Oh, pasensiya, mahal ko
Kung ang lambingan ay bitin
Kung pwede lang sanang walang kupal na pulis
Politikong epal at magnanakaw ng buwis
Kung pwede lang sanang wala nang pagtitiis
Nang makapag-full-time sa love story'ng kay tamis
Kaso hindi, lipunan na dapat nang baguhin
Mapanghati, ang natirang oras ay sulitin
Oh, pasensya, mahal ko
Sana'y iyong intindihin
Pag-ibig ko'y mapagpalaya at abante
Pangmatagalan, 'di kontraktwal, permanente
Walang haharang kahit pa ang Presidente
Ang pag-ibig kong alay, ugat ay lakas ng ating hanay
Kung pwede lang sanang lagi kang kapiling
At ang hustisya'y nakukuha sa panalangin
Kung pwede lang sanang mura ang bilihin
At free ang tuition ng mga future children natin
Kaso hindi, lipunan ay dapat nang babaguhin
'Wag magtimpi, sana'y sumama sa layunin
Tayo'y kumilos, mahal ko
Sa piling ng masa, ikaw at ako
Pag-ibig ko'y mapagpalaya at abante
Pangmatagalan, 'di kontraktwal, permanente
Walang haharang kahit pa ang Presidente
Ang pag-ibig kong alay, ugat ay lakas ng ating hanay

Pag-ibig sa 'yo at sa baya'y 'di hiwalay
'Di kumukupas, pag-alab at pulang kulay
Ang tulak sa bawat hakbang at tagumpay
Oh, aking sinta, aking kasama habang-buhay

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists