Alam ko na 'yang ganyang mga galawan
Libre otsong pamasahe, kunyari ay wala lang
Alam mo'ng lahat ng gusto ko at paborito
Pati 'yung kursunada ko'y kilala mo kung sino
Alam ko na 'yang ganyang pakiramdaman
Pa-bestie bestie pa, pero ang tanging pakay lamang
Makalapit sa akin, dala ang 'yong hangarin
Nagbabaka-sakaling may mamamagitan sa 'tin
Naku, 'wag nang mag-alinlangan ('wag naman)
Gusto rin naman kita, kaso nga lang
Ang bagal mo, chong, ni-ha, ni-ho
Wala akong naririnig na pag-amin sa 'yo
Ang bagal mo, chong, alam mo na ba'ng hanap ko?
Hinihintay na lang kitang magtanong
Ang bagal mo, chong
♪
Alam ko na 'yang ganyang mga asaran
Kunyari, 'di talo, pero sobrang halata kang
Nagnanakaw ng sulyap at nagtatago ng ngiti
'Pag tinatanong naman, sagot mo lagi ay "Hindi"
Oh, 'wag nang mag-alinlangan ('wag naman)
Gusto rin naman kita, kaso nga lang
Ang bagal mo, chong, ni-ha, ni-ho
Wala akong naririnig na pag-amin sa 'yo
Ang bagal mo, chong, alam mo na ba'ng hanap ko?
Hinihintay na lang kitang magtanong
Ang bagal mo, chong
And'yan naman si James, Daniel at si Enrique (sila'y and'yan naman)
'Pag naunahan ka nila, sige ka, sige (sige ka)
Kaya 'wag nang mag-alinlangan
Gusto din naman kita, kaso nga lang
Ang bagal mo, chong, ni-ha, ni-ho
Wala akong naririnig na pag-amin sa 'yo
Ang bagal mo, chong, alam mo na ba'ng hanap ko?
Hinihintay na lang kitang magtanong
Ang bagal mo, chong
Ang bagal-bagal, ang bagal mo, chong
Ang bagal-bagal, ang bagal mo, chong
Ang bagal-bagal, ang bagal mo, chong
Ang bagal-bagal, ang bagal mo, chong
Alam ko na 'yang ganyang mga galawan
Naghihintay ang puso, pwede bang 'wag mong bagalan?
Поcмотреть все песни артиста