Kishore Kumar Hits

Yumi Lacsamana - Pundi lyrics

Artist: Yumi Lacsamana

album: Pundi


Ang dami nang pinalipas
Kay dalas na ngang umiwas
Sige na, hayaan na
Wala namang mapapala
Ang dami nang kinalimutan
Mga munting kabiguan
Hindi na pinalalaki
Sa damdamin ay kinukubli
Ngunit may hangganan din
Ngayon ang puso'y 'di susundin
Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalang unti-unti
Gasera ma'y 'di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo'y napapawi na nang kay bilis
Ahh-hah

'Di matuyong unan at kumot
Mula sa luhang lihim na binuhos
'Di ko na kikimkimin
Ngayon ang isip na ang diringgin
'Pagkat may hangganan din
Ngayon ang puso'y 'di susundin
Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalang unti-unti
Gasera ma'y 'di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo'y napapawi na nang kay bilis
Ang pagdilim ng ilaw natin ay
May kaliwanagan pa lang hatid
Ito'y hindi mali't bulaang kabalintunaang
Kay tagal ko nang batid
Dahil maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalang unti-unti
Gasera ma'y 'di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo'y napapawi na nang kay bilis
Ahh-ha

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists