Kishore Kumar Hits

Yumi Lacsamana - Matututunan Din Nila 'Kong Mahalin lyrics

Artist: Yumi Lacsamana

album: Matututunan Din Nila 'Kong Mahalin


'Di ba 'ko kagusto-gusto?
Parang lahat lumalayong husto
Lagi na lang akong nadarapa
Kay rami na'ng biglang nawawala
Ngayo'y nag-iisa
Ngunit umaasang may darating pa
Kapag naubos na ang sinag ng araw
Matututunan din nila 'kong mahalin
Kapag ang dagat ay dagli nang bumabaw
Matututunan din nila 'kong mahalin
Kapit ng maigting, may darating din
Matututunan din nila 'kong mahalin
Nais ko rin maramdaman
Pakiramdam nang mayroong nand'yaan
Laging handang yumakap, humalik
Sa pagdating ko ay sabik
Ngayo'y nag-iisa
Ngunit umaasang may darating pa
Kapag buhangin ay hindi na inanod
Matututunan din nila 'kong mahalin
Kapag ang bukas at kahapo'y nag-abot
Matututunan din nila 'kong mahalin
Kapit ng maigting, may darating din
Matututunan din nila 'kong mahalin
Ngayo'y nag-iisa
Ngunit umaasang may darating pa
Kapag maaari nang tumapak sa ulap
Matututunan din nila 'kong mahalin
Kapag pu-puwede nang bundok ay matulak
Matututunan din nila 'kong mahalin
Kapit ng maigting, may darating din
Matututunan din nila 'kong...
Kahit lahat ng komplikado ay simple
Matututunan pa kaya 'kong mahalin?
Kahit mangyari'ng lahat ng imposible
Matututunan pa kaya 'kong mahalin?
Kapit mang maigting, mayro'n bang darating?
Matututunan pa kaya 'kong mahalin?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists