Kishore Kumar Hits

Yumi Lacsamana - Kayo lyrics

Artist: Yumi Lacsamana

album: Kayo


Ooh, woah, oh
Teka, mama, para, ako ay bababa na
'Di ko kayang marinig
Ang radyo mong madramang nagpapaalalang
May hapdi pa rin sa dibdib
Ang sakit kasi, may iba na siya pati
Oh, kailangan bang magkaganito?
Pero kaso nga lang, eh, medyo 'di naging kami
O.A. lamang talaga ako
Si Ate sa estribo'y ibang makatingin
Para bang nais na n'ya 'kong magising at sabihin sa akin na
Sino ka naman para sa kanya?
Nasasaktan ka pa, 'di naman pala kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo (ho)
At kahit na anong pilit gawin
Mundo'y baliktarin ay 'di pa rin kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo (ho)
Mama, oh, sige, d'yan lang sa tabi
Bababa na talaga ako
Pag-apak ko'y sumabit at ako'y napatid
Buti na lang, may sumalo
"Ayos ka lang ba?", 'yon lang ang nasabi n'ya
Nang biglang napayakap ako
Pagsulyap ko sa kanya, parang may hawig sila
At parehas pa silang pabango (oh-woah-woah)
Parang weirdong-weirdo si kuya't napailing
Para bang nais na n'ya 'kong magising at sabihin sa akin na
Sino ka naman para sa kanya?
Nasasaktan ka pa, 'di naman pala kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo (ho)
At kahit na anong pilit gawin
Mundo'y baliktarin ay 'di pa rin kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo (ho)
'Di ko matitigan 'yung tao sa salamin
Pati s'ya'y nais na n'ya 'kong magising at sabihin sa akin na
Sino ka naman para sa kanya?
Nasasaktan ka pa, 'di naman pala kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo, oh-oh-oh-oh-oh-oh
At kahit na anong pilit gawin
Mundo'y baliktarin ay 'di pa rin kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo (oh-woah-oh-oh)
Sino ka naman para sa kanya?
Nasasaktan ka pa, 'di naman pala kayo (hey)
Kayo (ho), kayo (hey), kayo (ho)
At kahit na anong pilit gawin (kahit na anong gawin)
Mundo'y baliktarin ay 'di pa rin kayo (hey)
('Di pa rin) kayo (ho), ('di pa rin) kayo (hey), ('di pa rin) kayo (ho)
Mama, oh, sige, d'yan lang sa tabi
Oo nga naman, 'di pala kami

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists