Sa bawat kong hininga Hakbang ng aking paa Saan man papadpad Poon nariyan ka tuwina Sa bawat kong salita Laman ng puso't diwa Isip ko't kalooban Batid mo Diyos kailanman Tumakbo't lumayo man Ikaw ay talikdan Kamay ko'y 'yong tangan Walang ibang tahanan Ikaw poon aking sandigan Tanging kinakapitan Sa iyo tumatahan Ang puso kong hapo't sugatan Sa bawat kong pighati Takot hapis at hikbi Pag-ibig mo'y pinapawi Lungkot ng pagkasawi Sa bawat kong hangarin Puso na nanalangin Ang lahat 'yong diringgin O Amang mahabagin Tumakbo't lumayo man Ikaw ay talikdan Kamay ko'y 'yong tangan Walang ibang tahanan Ikaw poon aking sandigan Tanging kinakapitan Sa iyo tumatahan Ang puso kong hapo't sugatan Tumakbo't lumayo man Ikaw ay talikdan Kamay ko'y 'yong tangan Walang ibang tahanan Ikaw poon aking sandigan Tanging kinakapitan Sa iyo tumatahan Ang puso kong hapo't sugatan Sa iyo walang alinlangan Tanging ikaw aking tahanan