Kishore Kumar Hits

Arman Ferrer - Tuloy ang Pasko lyrics

Artist: Arman Ferrer

album: Tuloy ang Pasko


Ooh, ooh, ooh, ooh
Kahit lumalamig ngayon ang hangin
Walang karoling na gumigising sa pagkakahimbing
Kahit naglalakad at nagmamasid
Walang mukhang nakangiti nakikita sa daan
Biglang nagbago ang dating takbo ng bawat araw
Hindi magawa ang nakagawian
Kaya sisimulan ang bagong paraan
Para tuloy ang pagdiriwang
Tuloy ang pasko
Tuloy ang pag-ikot ng mundo
Tuloy-tuloy pagdaloy ng pag-ibig mo
'Di mapipigil ng kahit anuman
Ang pag-asa, ang magandang balita
Dahil ang puso mo ang diwa ng pasko
Kahit puno ng takot ang paligid
Matapang na naglilingkod, tinataya ang sarili
Kahit kinakapos, kakaunti lang ang mayro'n
Hinahandog ito sa nangangailangan
Biglang nagbago ang dating takbo ng bawat araw
Hindi na tama ang nakagawian
Kaya sisimulan ang bagong paraan
Para tunay ang pagdiriwang
Tinatanaw ko na ang bukas
Kung sa'n bawat puso ay bukas
Payapa at panatag
Mahal sa buhay ay ligtas
Kung saan ang lahat ng nilalang sabay-sabay kakanta
Puso sa puso (puso sa puso)
Maligayang pasko (maligayang pasko)
Ang Diyos, dumating na (Diyos ay dumating na)
Tuloy ang pasko (tuloy ang pasko)
Tuloy ang pag-ikot ng mundo
Tuloy-tuloy pagdaloy ng pag-ibig mo
'Di mapipigil ng kahit anuman (tuloy ang pasko)
Ang pag-asa, ang magandang balita
Dahil ang puso mo ang diwa ng pasko
'Di mapipigil ng kahit anuman (tuloy ang pasko)
Ang pag-asa, ang magandang balita
Dahil ang puso mo, pag-ibig mo
Hindi nagbabago ang diwa ng pasko
Tuloy ang pasko
Tuloy ang pasko

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists