Tinanong mo sakin kung ano ang gusto ko Upang mapaligaya ang aking pasko Bakit mo pa kaya sabihin sa akin yan Para namang kasi hindi mo pa alam Ang aking araw-araw ay iyo nang iniba Mula pa noong ikaw ay aking nakilala Pinasayaw ang ikot ng aking munting mundo Binigyan ng dahilan ang bawat oras at minuto Ang bawat kong pangarap iyong pinalitan Binigyan ako ng lakas, tiyaga at tapang Na harapin ang bawat tanong at pag-aalinlangan Dahil alam kong ikaw ay katabi ko lamang At sa tuwing pagsikat at paglubog ng araw Nagsisimula at nagwawakas sa salitang ikaw Kaya't huwag mo nang itanong kung ano pa sa akin ay kulang Dahil bawat araw kasama ka ay Paskong walang hanggan Ang aking araw-araw ay iyo nang iniba Mula pa noong ikaw ay aking nakilala Pinasayaw ang ikot ng aking munting mundo Binigyan ng dahilan ang bawat oras at minuto Ang bawat kong pangarap iyong pinalitan Binigyan ako ng lakas, tiyaga at tapang Na harapin ang bawat tanong at pag-aalinlangan Dahil alam kong ikaw ay katabi ko lamang At sa tuwing pagsikat at paglubog ng araw Nagsisimula at nagwawakas sa salitang ikaw Kaya't huwag mo nang itanong kung ano pa sa akin ay kulang Dahil bawat araw kasama ka ay Paskong walang hanggan