Kishore Kumar Hits

D.A.D.R. - Lihim lyrics

Artist: D.A.D.R.

album: Mga Kwento ng Pusong Ligaw

Matagal ko nang inililihim sa iyo
Pero ngayon, hindi ko na kaya
Sana ay malaman mo na
Ikaw ang aking natatanging ligaya

At sa tuwing ika'y nakakalimutan niya
Ako kunwari ang mahal mo pansamantala

Huwag mo na akong pilitin pang itago ang nilalaman
Hayaan mo akong ipaalam sa iyo ang tunay na nararamdaman
Aking pagtingin, sana'y pansinin
Ang 'yong damdamin, sana ay nahuhulog na rin

Tumagal-tagal, nasanay na sa ganito
Pero ngayon, biglang nawala ka
Kung dati-rati ay nariyan lang
Ngayon ay parang 'di mo na 'ko kilala
Siguro nga, hanggang gan'to na lang
Ang puso kong ligaw, laging naiiwan
At sa tuwing ika'y nakakalimutan niya
Ako kunwari ang mahal mo pansamantala

Baka sakali na sumagi sa isip mo
Mahirap din ang magmahal nang patago sa 'yo

Huwag mo na akong pilitin pang itago ang nilalaman
Hayaan mo akong ipaalam sa iyo ang tunay na nararamdaman
Aking pagtingin, sana'y pansinin
Ang 'yong damdamin, sana ay nahuhulog na rin

'Di mo na ako kailangan
Masaya ka na sa piling niya
Wala na rin bang balak subukan?
Lalo lang akong masasaktan
'Di mo na ako kailangan (aking pagtingin)
Masaya ka na sa piling niya (sana'y pansinin)
Wala na rin bang balak subukan? (Ang 'yong damdamin, sana ay)
Lalo lang akong masasaktan (nahuhulog na rin)

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists