Maaari bang itigil ang mundo? Pwede bang humingi ng isang pagkakataon? Mamahalin kita ng buong buo Nang higit sa akala mo Bigyan ng pansin ang isang katulad ko Langit ka daw at ako ay nasa lupa Suntok sa buwan Kaya't wag na akong umasa Pagiisipan ko ba o wag na akong mangarap? Na ikaw at ako'y magkaibang mundo Pano mo kaya ako makikita? Ang isang gaya kong Di naman kagandahan Inalis na ang lahat ng hiya Hindi makikinig sa iba Malay mo tayo'y tinadhana Langit ka daw at ako ay nasa lupa Suntok sa buwan Kaya't wag na kong umasa Pagiisipan ko ba o wag na akong mangarap? Na ikaw at ako'y magkaibang mundo Hanggang tanaw na lang ba ako? Hanggang tanaw na lang ba? Paano ipaparating sa iyo? Langit ka daw At ako ay nasa lupa Suntok sa buwan kaya't wag na akong umasa Pagiispan ko ba o wag na akong mangarap? Na ikaw at ako'y magkaibang mundo Magkaibang mundo