Ako'y naglalakbay sa mundong wala ng kulay Nag-iisa at naghihintay ng kasama Ako'y paikot-ikot sa mundong hindi ko na maintindihan Hindi ko na alam ang gagawin Bigla akong natulala noong nakita ko s'ya Ang ganda ng kanyang mga ngiti Sana ay makilala ko s'ya Ang babae sa may ilaw-ilaw Ang puso ko'y napapasayaw Napapaindak sa mga kwentuhan Ano kaya ang pangalan n'ya Ano kaya ang pangalan ng babae sa may ilaw-ilaw Ako ngayon maglalakbay papunta sa kanyang mundo Makilala s'ya at makilala n'ya ako Kung gaano ako kasaya nung nakasama ko s'ya Ang ganda ng bawat eksena 'Di ko na yata kayang mawala Ang babae sa may ilaw-ilaw Ang puso ko'y napapasayaw Napapaindak sa mga kwentuhan Ano kaya ang pangalan n'ya Ano kaya ang pangalan ng babae sa may ilaw-ilaw Ako ay maglalakbay sa mundo nating dalawa Na binuo ng pag-ibig ko at pag-ibig mo Tayo Tayo lang dalawa Sa dulo ng mundo Ako at Ikaw Ang babae sa may ilaw-ilaw Ang puso ko'y napapasayaw Ang babae sa may ilaw-ilaw Napapaindak sa bawat galaw Ang babae sa may ilaw-ilaw Ang puso ko'y napapasayaw Napapaindak sa mga kwentuhan Ano kaya ang pangalan n'ya Ano kaya ang pangalan n'ya Ano kaya ang pangalan ng babae sa may ilaw-ilaw