Ako ay masaya Noong ika'y nandito pa Habang magkahawak sa ulan Hindi mapaliwanag ng Buwan Ang ngiti sa'yong mga matang Unti-uting nawawala Biglang tumigil ang lahat Noong ako'y iniwan mo na At ngayong gabi Hindi alam ang gagawin Saksi ang mga tala na Wala na tayong dalawa Ako ay masaya Noong tayo'y nangangarap pa Habang magkayakap sa dilim Ang hiling ko lang ay makasama kang Muli ng mabigkas ko sayo Ang sinabi mo noong meron pang tayo Na mahal na mahal mo ako Pero hindi naman pala totoo At ngayong gabi Hindi alam ang gagawin Saksi ang mga tala na Wala na tayong dalawa Ang hiling Ko lang ngayon Na sana ay sinabi mo Na hindi mo pala Ako minahal At hindi na sana tumagal Ako ay masaya Dahil ay nakilala kita Sana sa susunod Ako naman ang piliin mo